Pagsuri ng likhaing sining

Itong pintang ito ay gawa ko. Ang pintang ito ay aking susuriin. Ang masasabi ko sa gawa ko na to ay marami pa dapat baguhin dito. Marami pa ang mapapabuti at maisasaayos. Sa konting pagsasanay pa ay mas mapapaganda ko siguro ito at kung iingatan at mabusisi. Ang pinta kong ito ay ginamitan ko ng acrylic, una kong nilagay na background ay ang mga kulay ng bahaghari ngunit hindi ko ito nagawa nang naayon sa tamang pagkakasunod sunod ng mga kulay. sunod ay pinatungan ko na ito ng mga puting acrylic paint at nilagyan ng tape na pahugis parisukat para gawin ang mga itim na parihaba.

Lakbay Sanaysay

Nung ako ay nasa murang edad pa lamang ay madalas kaming magpaikot-ikot sa maynila. Marami kaming pagkakataon dahil tumira kami doon sa may tondo at kinakailangan akong ipasyal ng lolo’t lola ko upang ilibang habang nagttrabaho ang mga magulang ko. Naikot na namin ang iba’t ibang parte ng maynila. Intramuros, Quezon City Circle, Museong Pambata, Manila zoo, Star City, Ocean Park, Baywalk, Mall of Asia, at syempre, Luneta. Nagpapalipas din ako ng oras noon sa Adamson. May pwesto kasi ang lola ko don.

Nagtatrabaho ang mga magulang ko sa Intel noon at nahihirapan silang magbyahe simula Maynila papuntang Cavite. Dumating sa puntong nagpalipat lipat kaming bahay. Paputol putol ang pagaaral ko sa Maynila at Cavite. Grade two sa Maynila, grade three sa Cavite. Patuloy ang salitang iyon hanggang sa napagdesisyonan ng mga magulang ko na manatili na lang sa Cavite. Magulo daw kasi sa Maynila.

Hanggang ngayon ay sa Cavite parin kami nakatira. Nung una ay madalas kaming magbakasyon sa Maynila ngayon ay dalaw dalaw na lang. Marami na rin kasi ang nagbago. Tuwing umuuwi kami doon ay naaalala ko lahat at iba parin talaga ang Maynila. Mga ingay ng jeepney, ang statwa ni Rizal, ang kalsadang dumadagundong dahil sa mga nagsisilakihang truck, nasabi ko sa sarili ko na nakakamiss nga naman talaga ang Maynila.

Pictorial essay – KATHA

Bionote

Si Kirsten Shane Malgapo Maniquiz o mas kilalang Chen Chen ay panganay sa dalawang magkapatid. Nung nasa murang edad pa lamang si Chen chen ay marami na siyang nakamit sa buhay. Nagfirst place siya sa chess girls nung nasa ikalawang baitang siya ng elementarya. Dahil don ay sumikat siya sa kanyang paaralang pinapasukan at pinagaagawan ng mga guro. Pinapasubok sa kanya ang iba’t ibang bagay tulad ng swimming, pingpong, wine tasting, dancing, declamation at marami pang iba. Marami siyang tinanggihan sa mga ito para magpokus sa chess.

Ang kanyang buhay sa high school ay puno ng kasipagan, at siya ay maagap. Sa highscool narin siya tumigil sa pagchechess dahil nawalan na siya ng interes dito at ginusto na niyang subukan ang ibang bagay. Sinubukan niya ang dancing ngunit hindi siya humasa dito. Sumali rin siya sa battle of the brains sa school nila at nagtie sila ng kanyang kalaban. Hinanap niya pa ang kanyang sarili at tinuklas ang kanyang maaring talento.

Ngayong kasalukuyang senior high school ay pinili niya ang strand na Arts and Design dahil napagtanto niya sa sarili niya na mahilig siya sa sining. Dahil ang schedule niya ngayong senior high school ay half day lamang ay sinubukan niyang mamasukang part timer sa isang fast food restaurant. Di rin nagtagal ay napagdesisyunan niya ang magresign na rin kaagad dahil nahihirapan siyang pagsabayin ang pagttrabaho at ang pagaaral.