Nung ako ay nasa murang edad pa lamang ay madalas kaming magpaikot-ikot sa maynila. Marami kaming pagkakataon dahil tumira kami doon sa may tondo at kinakailangan akong ipasyal ng lolo’t lola ko upang ilibang habang nagttrabaho ang mga magulang ko. Naikot na namin ang iba’t ibang parte ng maynila. Intramuros, Quezon City Circle, Museong Pambata, Manila zoo, Star City, Ocean Park, Baywalk, Mall of Asia, at syempre, Luneta. Nagpapalipas din ako ng oras noon sa Adamson. May pwesto kasi ang lola ko don.
Nagtatrabaho ang mga magulang ko sa Intel noon at nahihirapan silang magbyahe simula Maynila papuntang Cavite. Dumating sa puntong nagpalipat lipat kaming bahay. Paputol putol ang pagaaral ko sa Maynila at Cavite. Grade two sa Maynila, grade three sa Cavite. Patuloy ang salitang iyon hanggang sa napagdesisyonan ng mga magulang ko na manatili na lang sa Cavite. Magulo daw kasi sa Maynila.
Hanggang ngayon ay sa Cavite parin kami nakatira. Nung una ay madalas kaming magbakasyon sa Maynila ngayon ay dalaw dalaw na lang. Marami na rin kasi ang nagbago. Tuwing umuuwi kami doon ay naaalala ko lahat at iba parin talaga ang Maynila. Mga ingay ng jeepney, ang statwa ni Rizal, ang kalsadang dumadagundong dahil sa mga nagsisilakihang truck, nasabi ko sa sarili ko na nakakamiss nga naman talaga ang Maynila.
